Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH
LinkMay 19, '08 3:49 AM
for everyone
Link: http://www.litratongpinoy.com/

Sino ang maaaring sumali:

Ikaw ay TUNAY na nahihilig o mahilig sa pagkuha ng larawan. Hindi nangangailangang ikaw ay isang propesyonal na litratista.
Ikaw ay Pilipino at may blog/s.
Ikaw ay banyagang marunong ng wikang Filipino (Tagalog.)
Ang iyong blog ay hindi naglalaman ng malalaswa, puno ng poot, o labag sa batas ng Diyos at batas ng tao.
Ikaw ay nakalaan sumunod sa mga panuntunan ng Litratong Pinoy.
Paano sumali :

Maglagay ng link button ng Litratong Pinoy sa iyong blog.
Sumali muna ng dalawang Huwebes, ibig sabihin ay dalawang linggo na akda ang kinakailangan gawin.
Iwan ang ‘link‘ ng iyong akda sa pamamagitan ng pag-iwan ng komento.
Matapos nito, ikaw ay lumiham sa Litratong Pinoy. Lumiham lamang kapag nakompleto ang hiling sa itaas.
Iwan ang iyong: Pangalan, Petsa ng kapanganakan (upang makabati ang mga miembro sa iyong kaarawan), Titulo ng blog at Lugar na kinaroroonan. Maaari mo rin ipadala ang mga ito sa: admin@litratongpinoy.com
Magbigay ng ilang araw na palugit upang ang inyong pagsali ay matugunan.
Nakalaan mo’ng gawin:

Ang LitratongPinoy ay isang lingguhang ‘palaro’. Sumali tuwing Huwebes.
Isali ang mga larawang IKAW ang nagma-may-ari. Hindi po maaaring isali ang mga larawan o mga dibuho (sketches) na kinuha lamang sa internet.
Isulat sa wikang Tagalog ang iyong lingguhang lahok. Kung ikaw naman ay banyaga, maaari mo ito haluan ng English (Taglish.)
Sa mga nagsusulat ng bayaring patalastas, isulat ang lahok sa salitang Inglis matapos ng Tagalog na akda.
Ang igsi o haba ng iyong akda ay inyong desisyon. Wala po tayong limitasyon sa bagay na ito.
Sundin ang lingguhang tema.
Maging magalang sa isa’t-isa. Hangarin ng LitratongPinoy ang magkaroon ng mabuting ugnayan sa isa’t-isa ang mga Pilipinong nahihilig sa pagkuha ng mga larawan.
Mayroong karapatan ang Litratong Pinoy na ALISIN SA LISTAHAN ang mga miembro na hindi tutupad sa alituntunin.
Karagdagang kaalaman:

Ang entry po dito sa L.P. ay isusulat alas dose ng umaga, Huwebes sa Pilipinas. Miyerkules pa rin po ito sa ibang bansa. Hindi kailangan na mismong Huwebes mo lamang gawin ang iyong akda, hangga’t hindi nagpapalit ng susunod ng Huwebes ay maari mo pa rin ito gawin.
Ang mga Tema o Paksa ay inyo pong matutunghayan sa kanang parte ng ating pahina.
Ang mga butones (link buttons) ay inyo rin pong matutunghayan sa kanang parte ng ating pahina.
Kung may mga hinaing, panukala o katanungan, ipadala lamang ang mga ito sa ating email: admin@litratongpinoy.com at hindi sa comment box.
Sa tuwina ay bisitahin ang kaukulang pahinang ito para sa mga bago at karagdagang impormasyon.


0 Comments
Add a Comment